JEHOVAH BA TALAGA ANG PANGALAN NG DIYOS?
Sa napakaraming pagkakataon ay maraming pangalan ng Diyos ang ipinakikilala ng Biblia. 1. AKO AY SI AKO NGA Exodo 3:14: “Sinabi ng Diyos, “AKO’Y SI AKO NGA. Sabihin mo sa mga Israelita na sinugo ka ng Diyos na ang pangalan ay ‘Ako Nga’.” 2. PANGINOON Isaias 42:8: “AKO ANG PANGINOON, NA SIYANG AKING PANGALAN: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.” 3. MAPANIBUGHUIN Exodo 34:14: “Sapagka’t hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka’t ANG PANGINOON NA ANG PANGALAN AY MAPANIBUGHUIN; ay mapanibughuin ngang Dios:” 4. DIYOS NG MGA HUKBO Amos 5:27: “Kaya’t kayo’y aking papapasukin sa pagkabihag sa dako roon ng Damasco, sabi ng PANGINOON, NA ANG PANGALA’Y DIOS NG MGA HUKBO.” 5. BANAL Isaias 57:15: “Sapagka’t ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang PANGALAN AY BANAL; Ako’y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng ...