Nasa Iglesia Ni Cristo lamang ang kaligtasan

Kapag kaligtasan na ang usapan ay hindi marapat na ipagwalang-bahala ng tao ang katotohanang itinuturo ng Biblia patungkol sa pamamaraan ng Diyos sa pagliligtas sa tao. At hindi na rin dapat pagtalunan pa kung ang Panginoong Jesucristo nga ba’y nagtayo ng Iglesia sapagkat ito ay malinaw nating mababasa :

“At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESYA at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.” (Mat. 16:18, TAGMB’12)

Subalit kaya lang naman nagkakaroon ng kalituhan sa kaisipan ng tao ay bunga ng napakaraming relihiyong nagpapakilalang sila ay ang tunay na iglesia. Dahil dito, mahalaga na malaman ng bawat tao kung papaano marapat tawagin ang tunay na Iglesia, ganito ang sagot sa atin ni Apostol Pablo :

“At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, sa makatuwid baga’y ng IGLESIA;” (Col. 1:18)

Maliwanag na sinasabi sa atin ni Apostol Pablo na ang tunay na iglesia ay ang katawan ni Cristo, at Siya ang ulo nito. Marapat lamang na ang itawag sa katawan ay ang pangalan ng ulo kaya upang malaman ang tunay kung alin nga ba ang tunay na iglesia, ito ay walang iba kundi ang katawan ni Cristo na siya ring itinawag sunod sa Kaniyang pangalan :
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarili at ang buong kawan, na rito’y hinirang kayo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng Kaniyang dugo.” (Gawa 20:28 George M. Lamsa Translation)

Ayon sa ating nabasa, ipinakikilala ni Apostol Pablo na ang pangalan ng tunay na Iglesia ay Iglesia Ni Cristo. Gaano kahalaga na ang pangalan ng Panginoong Jesucristo ang itinatawag sa Kaniyang Iglesia? Si Apostol Pedro naman ang magpapaliwanag sa atin :

Gawa 4:12: “AT SA KANINO MANG IBA AY WALANG KALIGTASAN: SAPAGKA’T WALANG IBANG PANGALAN SA SILONG NG LANGIT, NA IBINIGAY SA MGA TAO, NA SUKAT NATING IKALIGTAS.”

Samakatuwid, ngayon nga’y naipahayag na sa atin ang katotohanang ito ay nawa tumimo sa ating isipan kung bakit ang tunay na Iglesiang magtatamo ng kaligtasan sa Araw ng Paghuhukom ay tinawag sunod sa pangalan ni Cristo – IGLESIA NI CRISTO. Suriin ninyo, kung ang pangalan ng inyong kinaaniban na iglesia ay hindi matatagpuan o mababasa sa Biblia, sapagkat kung wala tayong masumpungan na pagkakilanlan nito sa pagtuturo ng Banal na Kasulatan ay nakatitiyak tayo na walang kaligtasan diyan.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit hindi nakasulat ang Pangalan ni Kapatid na Felix Manalo sa Biblia?