JEHOVAH BA TALAGA ANG PANGALAN NG DIYOS?

Sa napakaraming pagkakataon ay maraming pangalan ng Diyos ang ipinakikilala ng Biblia.

1. AKO AY SI AKO NGA

Exodo 3:14: “Sinabi ng Diyos, “AKO’Y SI AKO NGA. Sabihin mo sa mga Israelita na sinugo ka ng Diyos na ang pangalan ay ‘Ako Nga’.”

2. PANGINOON

Isaias 42:8: “AKO ANG PANGINOON, NA SIYANG AKING PANGALAN: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.”

3. MAPANIBUGHUIN

Exodo 34:14: “Sapagka’t hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka’t ANG PANGINOON NA ANG PANGALAN AY MAPANIBUGHUIN; ay mapanibughuin ngang Dios:”

4. DIYOS NG MGA HUKBO

Amos 5:27: “Kaya’t kayo’y aking papapasukin sa pagkabihag sa dako roon ng Damasco, sabi ng PANGINOON, NA ANG PANGALA’Y DIOS NG MGA HUKBO.”

5. BANAL

Isaias 57:15: “Sapagka’t ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang PANGALAN AY BANAL; Ako’y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.”

Ang Saksi Ni Jehova, bilang isang relihiyon ay naninindigan na ang pangalan ng Diyos ay Jehovah :

Awit 83:18: “Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ANG PANGALAN AY JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa.”

Subali’t mapapansin ang ilang kritisismo na galing sa iba’t ibang iskolar ng Biblia ukol sa kamalian sa paggamit ng pangalang “Jehovah”.

“The PRONOUNCIATION, JEHOVAH, was UNKNOWN UNTIL 1520 when it was INTRODUCED by GALATINUS, . . . ERRONEOUSLY WRITTEN AND PRONOUNCED JEHOVAH, which is a merely combination of the sacred Tetragammaton and the vowels for the Hebrew word for Lord, subtituted by the Jews for JHVH because they shrank from pronouncing the name.” (Rotherham Emphasized Bible, pp. 24-25)

Maliwanag kung gayon na noong ika-15 siglo lamang ipinakilala ang pangalang Jehovah at yun ay inimbento ni Galatinus.

At papaano pa kumalat ang kamaliang ito? Sa pamamagitan ng maling salin na KJV na ginagamit ng maraming relihiyon ngayon bilang batayan sa pagtuturo.

“The hybrid name JEHOVAH is a combination of vowels of ‘Adonai’ and consonants of the tetragammaton. It’s appearance in KJV was the RESULT of the TRANSLATORS’ IGNORANCE of the HEBREW LANGUAGE and CUSTOMS.” (Harper Bible Dictionary, p. 1036)

Bakit kailangan pa kasi ipilit na ito ay tumutukoy sa pangalan ng Diyos kahit na ito’y mali? Parang sumusuntok lang kayo sa hangin dahil sa paggamit ng pangalang kailanma’y hindi nakikilala ng mga Hudyo.

I Corinto 9:26: “Ako nga’y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako’y sumusuntok, na hindi gaya ng SUMUSUNTOK SA HANGIN:”

Bakit sumusuntok sa hangin? Umaasa kayo sa bagay na hindi naman tiyak at tama! Hindi naman ninyo tutulan na walang nakakaalam ng tamang pagbigkas ng tetragammaton

Ano naman kaya ang pangalan ng Diyos sa Bagong Tipan? Ganito ang pahayag sa atin ng Panginoong Jesucristo :

Juan 17:26: “At IPINAKIKILALA KO SA KANILA ang IYONG PANGALAN, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako’y sa kanila.”.

Pero kahit basahin natin ng paulit-ulit ang Bagong Tipan ay walang pangalang ipinakikilala si Jesus. Alin nga ba ang pangalang ipakikilala ni Jesus, pansariling pangalan ng Diyos o pangalang pagmamay-ari ng Diyos?

Juan 17:11: “At ngayon, ako’y papunta na sa iyo; iiwanan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng IYONG PANGALAN, ANG PANGALANG IBINIGAY MO SA AKIN, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila’y maging isa.”

Ayun, ang pangalan pala ng Diyos na ipakikilala ni Jesus ay pangalan ng Diyos na pangalang ibinigay sa Kaniya. Saan kaya mababasa na binigyan ng personal o pansariling pangalan ng Diyos si Jesus?

Filipos 2:9-10: “Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at SIYA’Y BINIGYAN NG PANGALANG LALO SA LAHAT NG PANGALAN; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,”

Malinaw ang sagot sa atin ng Biblia, ang pangalan ng Diyos ay ang pangalang ibinigay sa Kaniyang bugtong na Anak, ang Jesus at Cristo, hindi ito personal na pangalan ng Diyos kundi pangalang pagmamay-ari ng Diyos.

Sa sandaling ito, tinitiyak natin na hindi tayo sumusuntok sa hangin.

Gawa 4:10, 12: “Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa PANGALAN ni JESUCRISTO ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit. At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t WALANG IBANG PANGALAN sa silong ng langit, NA IBINIGAY SA MGA TAO, NA SUKAT NATING IKALIGTAS.”

Paano natin ngayon gagamitin ang pangalang iyan? Tatawagin ba nating Jesus o Cristo ang Diyos?

Juan 15:16: “Ako’y hindi ninyo hinirang, nguni’t kayo’y hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo’y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: UPANG ANG ANUMANG INYONG HINGIN SA AMA SA AKING PANGALAN, AY MAIBIGAY NIYA ITO.”

Utos ni Cristo na gamitin ang pangalan niya kapag tatawag tayo sa Diyos sa ating mga pananalangin. Pinatutunayan rin ng Biblia na kailangan talaga nating tumawag sa Diyos sa pamamagitan ng pangalan ni Cristo sapagkat walang makakadiretso sa Ama (Juan 14:6) kaya kailangan ng tagapamagitan at ito nga’y si Jesus (1 Juan 2:1).

I Timoteo 2:5: “Sapagka’t may isang Dios at may isang TAGAPAMAGITAN SA DIOS at sa mga tao, ANG TAONG SI CRISTO JESUS,”

Kaya, sa mga pananalitang ito, sinisigurado ko na hindi tayo sumusuntok sa hangin.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit hindi nakasulat ang Pangalan ni Kapatid na Felix Manalo sa Biblia?