Totoo bang si Jehovah ang totoong Diyos?

Isa sa mga layunin ng Panginoong Jesu-Cristo kaya siya ay naparito ay upang ipakilala ang kaniyang Ama. Para mai-sakatuparan ito ay kinakailangan ng tao na malaman ang pangalan ng Diyos sapagkat ito nga ang katunayan ng kaniyang pagka-kilanlan:

“AT IPINAKILALA KO SA KANILA ANG IYONG PANGALAN, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako’y sa kanila.” (Juan 17:26)

Unahin nating suriin ang pagkilala ng mga Saksi sa Diyos na diumano’y ang pangalan ng Panginoong Diyos ay Jehova. Totoo kaya ito? Ang sagot natin ay hindi. Hindi ito kailanman kinilala ng Biblia at ito ay pinatutunayan ng Webster, sa kaniyang Ancient History, ganito ang sinasabi:

“This name Jehovah was never known to the Ancient Hebrew” Pinatutunayan maging ng kasaysayan na sa matandang Hebreo (o Israel) ay hindi kilala ang pangalang “Jehovah”.

Maging ang dalubhasa sa Biblia ay nagpatotoo rito:

“…ang salitang “Jehovah” ay di wastong kumakatawan sa ano mang anyo ng Pangalan di ginamit sa Hebreo. (The Bible, Revised Standard Version, p. v)

Samakatuwid, hindi ito maka-Biblia. Kanino kaya nanggaling ang pangalang ito?

“Kapuna-puna nga, si Raymundus Martini, isang mongheng kastila ng Ordeng Dominicano ang unang nagsalin ng “Jehovah” sa banal na pangalan. Ang anyong ito ay lumitaw sa kanyang aklat na Pugeo Fidei, na nalathala noong 1270 C.E. Mahigit na 700 taon na ngayon.” (Bantayan, p.10 Agosto 1980)

Kaya naman pala, hindi ito galing sa alinmang ebanghelyo kundi ito ay pinasimulan ng isang monghe. Kung gayon, ano ang pangalang ipinakikilala ng Panginoong Jesu-Cristo na pangalan ng Diyos?

Mateo 6:9: “Magsidalangin nga kayo ng ganito: AMA namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang PANGALAN MO.”

Ayon sa pagtuturo ng Panginoong Jesu-Cristo, ang pangalan ng Diyos ay AMA.

Bukod dito, ano pa ang tinitiyak sa atin ng mga nagsipagsuri ng Biblia?

“ The form ‘Jehovah’ is of late medieval origin” (The Bible Revised Standard Version, New York, Thomas Nelson and Sons, 1952, p.v)

Ngayon nalalaman natin na ang pangalang “Jehova” ay hindi nakikilala ng mga Judio sapagkat ito ay in-imbento lang ng tao, at hindi ng Diyos.

Sana malinaw ito sa lahat.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit hindi nakasulat ang Pangalan ni Kapatid na Felix Manalo sa Biblia?