Posts

JEHOVAH BA TALAGA ANG PANGALAN NG DIYOS?

Sa napakaraming pagkakataon ay maraming pangalan ng Diyos ang ipinakikilala ng Biblia. 1. AKO AY SI AKO NGA Exodo 3:14: “Sinabi ng Diyos, “AKO’Y SI AKO NGA. Sabihin mo sa mga Israelita na sinugo ka ng Diyos na ang pangalan ay ‘Ako Nga’.” 2. PANGINOON Isaias 42:8: “AKO ANG PANGINOON, NA SIYANG AKING PANGALAN: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.” 3. MAPANIBUGHUIN Exodo 34:14: “Sapagka’t hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka’t ANG PANGINOON NA ANG PANGALAN AY MAPANIBUGHUIN; ay mapanibughuin ngang Dios:” 4. DIYOS NG MGA HUKBO Amos 5:27: “Kaya’t kayo’y aking papapasukin sa pagkabihag sa dako roon ng Damasco, sabi ng PANGINOON, NA ANG PANGALA’Y DIOS NG MGA HUKBO.” 5. BANAL Isaias 57:15: “Sapagka’t ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang PANGALAN AY BANAL; Ako’y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng ...

Nasa Iglesia Ni Cristo lamang ang kaligtasan

Image
Kapag kaligtasan na ang usapan ay hindi marapat na ipagwalang-bahala ng tao ang katotohanang itinuturo ng Biblia patungkol sa pamamaraan ng Diyos sa pagliligtas sa tao. At hindi na rin dapat pagtalunan pa kung ang Panginoong Jesucristo nga ba’y nagtayo ng Iglesia sapagkat ito ay malinaw nating mababasa : “At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESYA at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.” (Mat. 16:18, TAGMB’12) Subalit kaya lang naman nagkakaroon ng kalituhan sa kaisipan ng tao ay bunga ng napakaraming relihiyong nagpapakilalang sila ay ang tunay na iglesia. Dahil dito, mahalaga na malaman ng bawat tao kung papaano marapat tawagin ang tunay na Iglesia, ganito ang sagot sa atin ni Apostol Pablo : “At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, sa makatuwid baga’y ng IGLESIA;” (Col. 1:18) Maliwanag na sinasabi sa atin ni Apostol Pablo na ang tunay na iglesia ay ang katawan ni Cristo, at Siya ang ulo nito. Marapat lamang n...

Totoo bang si Jehovah ang totoong Diyos?

Isa sa mga layunin ng Panginoong Jesu-Cristo kaya siya ay naparito ay upang ipakilala ang kaniyang Ama. Para mai-sakatuparan ito ay kinakailangan ng tao na malaman ang pangalan ng Diyos sapagkat ito nga ang katunayan ng kaniyang pagka-kilanlan: “AT IPINAKILALA KO SA KANILA ANG IYONG PANGALAN, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako’y sa kanila.” (Juan 17:26) Unahin nating suriin ang pagkilala ng mga Saksi sa Diyos na diumano’y ang pangalan ng Panginoong Diyos ay Jehova. Totoo kaya ito? Ang sagot natin ay hindi. Hindi ito kailanman kinilala ng Biblia at ito ay pinatutunayan ng Webster, sa kaniyang Ancient History, ganito ang sinasabi: “This name Jehovah was never known to the Ancient Hebrew” Pinatutunayan maging ng kasaysayan na sa matandang Hebreo (o Israel) ay hindi kilala ang pangalang “Jehovah”. Maging ang dalubhasa sa Biblia ay nagpatotoo rito: “…ang salitang “Jehovah” ay di wastong kumakatawan sa ano mang anyo ng Pangalan di ginamit s...

Bakit hindi nakasulat ang Pangalan ni Kapatid na Felix Manalo sa Biblia?

Image
Ito ang isa sa tanong na minsan na ay naitanong, at paulit-ulit pang itinatanong ng marami ang ukol dito. Bakit raw magiging SUGO si kapatid na Felix Manalo gayong hindi naman makikita at mababasa kahit ang kanyang pangalan? Ating bigyan ng sagot ang kaukulang tanong. . Mula man sa Lumang Tipan ay nakasulat na ang mga maagang mga tao o Sugo ng Diyos, samakatuwid ito ay Inaasahan na ang mga pangalan ng Sugo ng Diyos tulad nila Moses, David , at Elias ay nabanggit doon. Subalit, may mga iba pang mga Sugo na may karapatan na mangaral ay may katuparan rin ng propesiya tungkol sa kanila.Kasama ng mga ito ay Juan Bautista , Ang Panginoong Jesucristo , ang apostol, at ang sugo ng Diyos sa mga huling araw. Dapat nating malaman na ang mga tao na may katuparan sa Bagong Tipan ay hindi binanggit ang pangalan ng mga hinulaan, gaya ng sinabi na patungkol kay Cristo: Isaias 61:1-2 " Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipanga...